WATAWAT NG PILIPINAS KAAKIBAT NG BATTLE UNIFORM NG AFP

MAGIGING regular na bahagi ng battle uniform ng bawat miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patch ng Watawat ng Pilipinas.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr., hindi lamang ito pagpapakita ng patriotismo o pagiging makabayan; bahagi ito ng pagpapalakas ng pagmamahal sa bayan at pagkakaisa.

Layunin ng nasabing hakbang na ipakita ang patriotism at solidarity bilang malinaw na paalala ng pangako ng Sandatahang Lakas na itaguyod ang soberanya at territorial integrity ng Pilipinas.

Pahayag pa ni Gen, Brawner, layunin din nito na itugma sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang national pride at pagkakaisa sa mga Pilipino.

Ang hakbang na ito ay isang pagpapakita rin ng determinasyon ng AFP na magbigay ng malinaw na representasyon sa pagtupad ng kanilang misyon nang may karangalan at integridad. (JESSE KABEL RUIZ)

24

Related posts

Leave a Comment