WATER INTERRUPTION AABOT NG SUMMER

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAAARING abutin hanggang summer ang problema sa suplay ng tubig sa National Capital Region, ayon sa Pagasa.

Ito ay sa kabila ng mga pag-ulan na posibleng makapuno ng dam hanggang matapos ang taon.

Sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam mula sa 188.34 noong Miyerkoles na malayo pa sa 210 meters na target bago matapos ang taon.

Kaya tinitipid ng mga water concessionaire ang tubig upang umabot hanggang summer ang suplay nito.

Gayunman, nangangamba ang ahensya na bumaba pa sa below normal operating level ang tubig sa dam bago matapos ang Enero sa susunod na taon.

Patuloy naman nagsasagawa ng mga water treatment facilities ang mga water concessionaire at iba pang concerned government agency upang maibsan ang kakulangan sa suplay ng tubig.

422

Related posts

Leave a Comment