(NI DAHLIA S. ANIN)
MAGPAPATULOY pa rin ang water service interruption sa mga kustomer ng Manila Water, kahit na bahagyang tumaas ang tubig sa Angat Dam, ayon kay Corporate Communicatiom Head Jeric Sevilla.
Sa panayam kay Sevilla, sinabi nitong mawawalan pa din ng tubig ang mga lugar na sinusuplayan nila ng walong oras, pero ang iba naman ay mas mahaba ang oras ng water availability na tatagal ng 10-16 oras.
Nakatigil pa rin umano sa 36 cubic meter per second (cms) ang alokasyong ibinigay ng National Water Resources Board (NWRB) kahit tumaas na ang tubig sa dam dahil 46 cms ang normal na alokasyon nito.
Inaasahan nilang mapabaababa umano ng tag-ulan at ng malamig na panahon ang demand sa tubig kaya’t magkakaroon ng improvement ang sitwasyon ngayon.
Ayon naman kay hydrologist Aileen Abelardo ng Pagasa Hydrometeorology Division, muling umangat ang lebel ng tubig sa dam ng Lunes dahil sa pag- ulan.
Tumaas ito ng 1.21 meters na ngayon ay 159.85 meters na, ayon sa kanilang tala.
Mababa na lang ito ng kaunti sa kritikal level na 160 meters.
138