WELLMED OWNER MANANATILI SA NBI

wellmed12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI pa makalalaya sa detensiyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hanggang hindi pa nakapagpapalabas ng resolusyon ang Department of Justice(DoJ) sa kasong estafa at falsification of public document ang isa sa may-ari ng  WellMed Dialysis and Laboratory Center na si Dr. Bryan Sy na isinangkot sa  ‘ghost dialysis’ claims na binayaran ng   Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“In the meantime, respondent will be detained with the NBI detention center while awaiting for the resolution of this case,” ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera.

Nabatid na ni-reject ni Devanadera ang plea ng kampo ni Sy  matapos ang naging ruling ng   Manila Regional Trial Court branch 20 na tinanggihan ang petition for habeas corpus ni Sy.

“Resolving the motion of respondent Bryan Sy insofar as the validity of the warrantless arrest, we find that the court has already ruled upon its validity in its order dated June 11, 2019 on the petition for habeas corpus. Hence, this case is subject for inquest proceedings,” ayon kay Devanadera.

Nabatid na sa ginanap na inquest proceedings sa DoJ sa kasong  estafa at falsification of documents , kamakalawa ng gabi hiniling ng kanyang abogadong si Rowell Ilagan na palayain si Sy dahil sa illegal arrest.
Iginiit ng abogado na hindi  dapat inaresto si Sy sa ilalim ng warrantless arrest dahil ang kasong kinasangkutan niya ay sangkot ang mga dokumento at hindi dapat ikonsidera bilang “continuing crime” na siyang basehan para sa pag aresto ng walang warrant.

Ipinasiya naman ng kampo ni Sy na huwag na magsumite ng counter evidence matapos isumite na sa resolusyon ang reklamo isinampa ng NBI at PhilHealth .

Nalaman na pagkatapos ng hearing sa petisyon ni Judge Marivic Balisi-Umali napatunayan na walang basehan para pagbigyan ang plea at atasan ang NBI na palayain si Sy.

“That there is no probable cause of the warrantless arrest of the subject has been held not a valid ground for the issue of a Writ of Habeas Corpus.”

Si  Sy at iba pang WellMed officers ay kunasuhan sa  DOJ ng  estafa at falsification of documents sa ilalim ng Article 315 at Article 172, ng  Revised Penal Code.

 

149

Related posts

Leave a Comment