(NI NOEL ABUEL)
BILANG na ang araw ng mga sangkot sa krimen tulad ng droga at money laundering, at sa mga nagnanais patalsikin ang pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan maaari na umanong i-wiretap ang komunikasyon ng mga sangkot sa krimen.
Aniya, muling isinampa nito ang panukalang Anti-Wiretapping Law na nakapaloob sa Senate Bill 22 na naglalayong amyendahan ang 54-taon nang Republic Act 4200.
Ipinunto ni Lacson na kailangan nang mas palawakin ang kapangyarihan ng mga alagad ng batas sa pagmanman laban sa mga kriminal.
“With the following exceptions, wiretapping, though limited in its applications, has been an effective tool by our law enforcement agencies against criminal elements who have wreaked havoc, instability and lack of equanimity in our country to the detriment of many of our peace-loving citizens. Unfortunately, there are still certain crimes that are not covered under the said exceptional cases, which put not only the lives and property of our people in paramount danger, but also pose a grave threat to our nation’s security,” paliwanag ng mambabatas sa panukala.
Sa ilalim ng Lacson bill sa pag-amiyenda sa Anti-Wiretapping Law, tinukoy ang mga suspek sa mga krimen na maaaring isailalim ng mga awtoridad sa wiretapping.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng coup d’etat, pakikipagsabwatan para sa kudeta, robbery in band, highway robbery, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Anti-Money Laundering Act.
Sinabi ni Lacson na sakaling maisabatas ang panukala sa pamamagitan ng court order ay puwede na umanong ma-wiretap ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga nabanggit na krimen.
128