(Ni BERNARD TAGUINOD)
Kasingyaman ng United Arab Emirates (UAE) ang West Philippine Sea (WPS) kung langis din lamang ang pag-uusapan.
Ito ang inihayag ni Supreme Court (SC) acting Chief Justice Antonio Carpio sa forum sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa patuloy nitong pagtatanggol sa WPS bilang pag-aari ng Pilipinas.
“South China Sea as rich as UAE in oil deposits,” ani Carpio.
Ang UAE ay isa sa mga bansang kinikilalang nangunguna sa oil production sa daigdig.
Ang WPS ay pinaniniwalaang napakayaman sa langis, kaya ito ay inaangkin ng mga bansang nagsasabing higit silang malapit dito kaysa Pilipinas, lalo na ang People’s Republic of China.
Bukod sa langis, nagpoproduced din ng $28.8 bilyong halaga ng lamang dagat ang WPS na posibleng mawala sa Pilipinas kapag tuluyang makontrol ito ng China.
“South China Sea accounts for $28.8B of world’s fish produce. We have rich fisheries in the South China Sea because there are reefs in the Spratlys,” ayon kay Carpio.
Isiniwalat din ni Carpio na hindi tumitigil ang China sa pagpapawak ng kanyang teritoryo sa South China Sea na posibleng angkinin maging ang Benham Rise ng Philippine Rice kung hindi ito mapigilan.
Huling naglagay umano ng dash line ang China sa Silangang bahagi ng Taiwan bukod sa una nilang 9 dash line kung saan “the number of dash line is still growing. Maybe next time there might be one near Benham Rise,” patuloy ng mahistrado.
Idiniin pa niya na wala karapatan ang China na angkinin ang buong PWS o South China Sea dahil batay sa mga dokumento ay walang ebidensya na pag-aari nila ang buong karagatan.
“China’s historical narrative is totally false. You [China] don’t own the South China Sea. You are not a close neighbor of the Philippines. Oldest maps of China show Hainan as its southernmost territory. Philippine has oldest maps showing that the Spratlys is part of its territory,” ani Carpio.
Sa katunayan, sa ilalim ng 1900 Treaty of Washington, isinuko ng Espanya sa Amerika ang lahat ng teritoryo ng Pilipinas, kabilang na ang Scarborough Shoal at Spratly Islands, tugon ni Carpio.
Ang China ay noong 1927 at 1938 ng mapa na nagpapakita na pag-aari nila ang nabanggit na mga teritoryo.
242