YAMAN NG PINAS DAPAT SA PINOY

PANAHON na para pakinabangan ng mga Pilipino ang likas na yaman ng Pilipinas sa halip na mapunta ito sa mga dayuhan.

Ito ang iginiit ni House committee on public accountability chairman Jose Singson Jr., matapos aprubahan ng House committee on environment and natural resources ang House Bill (HB) 6321 o “Black Sand Processing Act of 2020”.

Base sa nasabing panukala na nakatakdang isalang sa plenaryo ng Kamara para sa ikalawa at ikatlong pagbasa, dapat ang mga Pilipino ang makinabang sa mga likas na yaman ng bansa lalo na ngayong lugmok ito dulot ng pandemya sa COVID-19.

“Pandemic era dictates that Philippines must “stop being generous” to other countries,” ani Singson.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ine-export ang mga likas na yaman ng Pilipinas tulad ng black sand kaya ang ibang bansa kabilang ang China ang nakikinabang dito.

Sakaling maging batas, hindi na ibebenta sa ibang bansa ang black sand mines bagkus ay ipoproseso ito sa bansa at ang finish product na lamang ang ie-export.

Marami sa raw materials ng mga industriyalisadong bansa tulad ng China ay mula sa Pilipinas at finish product na lamang ang ibinabalik sa bansa ngunit binibili na ito ng mahal.

“Foreign companies take huge profits from exploiting our resources, our people absorb the environmental dangers the miners cause,” ayon pa sa kongresista. (BERNARD TAGUINOD)

5

Related posts

Leave a Comment