‘YELLOW CARD’ SA INT’L FLIGHTS IBABALIK

duque21

Sa gitna ng pagkalat ng novel coronavirus

KUMBINSIDO ang Malakanyang na ikukonsidera ni Health Sec. Francisco Duque ang pagbabalik ng health declaration checklist na kilala rin sa tawag na yellow card sa mga international flight na pumapasok sa Pilipinas lalo pa’t di umano’y may banta ng novel coronavirus sa bansa.

“Siguro iko-consider ni Sec. Duque yan. Anything that will prevent the spread of any virus in this country coming from another would be factor in, in any decision making,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sa ngayon ay pinaghahawakan ng Malakanyang ang sinabi ni Sec. Duque na kagyat itong gagawa ng kaukulang hakbang kapag nakita na nitong delikado ang bansa sa coronavirus.

Nauna rito, may ulat na may 135 pasahero mula sa Wuhan, China, sinasabing epicenter ng coronavirus ang bumaba sa Kalibo patungong  Boracay.

Kamakailan ay sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na naging epektibo ang naturang hakbang noong siya pa ang kalihim ng Department of Health (DoH) upang maiwasan ang pagpasok ng mga nakamamatay na sakit kagaya ng SARS at MersCov.

Ngayong may banta aniya ng novel coronavirus, mahalaga na magkaroon ng surveillance upang malaman ang mahahalagang impormasyon ng bawat pasahero at mga nakasalamuha nito sa eroplano.

BNukod dito, agad na maisailalim sa quarantine ang mga makikitaan ng sintomas.

Pinayuhan naman nito ang publiko na huwag mag-panic, ipanatili ang proper hygiene o kalinisan ng katawan, iwasan ang pagdura sa kung saan-saan at palakasin ang immune system.

QUARANTINE

Malaki naman ang tiwala ng DOH sa Bureau of Quarantine (BoQ) upang mapigilang makapasok sa bansa ang mga taong makikitaan ng sintomas ng coronavirus.

Ito ay matapos ang usapin sa pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus. Ayon kay Sec. Duque, ang quarantine ay may sinusunod na protocol at guidelines.

Ang unang hakbang na ginawa ng ahensya ay nagpatupad ng contact tracing measure kaugnay sa apat na kaanak ng isang Chinese National na taga-Wuhan na sinasabing nagpositibo sa coronavirus.

Napag-alaman na dumating ang mag-anak sa bansa noong Enero 22, habang naiwan naman ang kamag-anak nilang maysakit sa Hong Kong.

Ayon pa kay Duque, malaking tulong ang Department of Justice-Bureau of Immigration upang matunton ang kinaroroonan ng mag-anak.

Nauna nang sinabi ng DoH na hindi nila nakitaan ng sintomas ng naturang sakit ang mga kasabay na pasahero ng mga Chinese National kaya lahat sila ay nakapasok sa bansa. (CHRISTIAN DALE, DAHLIA S. ANIN)

96

Related posts

Leave a Comment