ZUBIRI: GMRC IBALIK SA K-12 

zubiri55

(NI NOEL ABUEL)

DAHIL sa masamang idinudulot ng social media sa katauhan ng mga kabataan nais ni Senador Miguel Zubiri na maibalik sa K12 curriculum ang Good Manners and Right Conduct (GMRC).

Magsasagawa ng pagdinig bukas, Oktubre 29, ang Senate Basic Education, Arts and Culture joint with Youth, at Senate Ways and Means para talakayin ang Senate Bill 310 o ang GMRC Act para alamin kung may posibilidad na maisama muli sa subject na ituturo sa mga paaralan.

Ayon kay Zubiri, pangunahing may-akda ng nasabing panukala, kapansin-pansin na nag-iiba na ang ugali ng mga kabataan sa kasalukuyan kumpara sa nakalipas na taon.

Sa ilalim ng GMRC Act, nais ni Zubiri na isama ito sa curriculum sa elementary at high school levels.

Ang GMRC ay nagtuturo ng paggalang, pagiging tapat, pagtulong, malasakit sa kapwa, pagsunod sa batas at sa mga nakakatanda.

Aalamin ng mga senador sa Department of Education (DepEd) kung posibleng ibabalik ang GMRC sa curriculum habang bumuo na ng technical working group para pag-isahin ang mga panukalang nagsusulong nito.

 

504

Related posts

Leave a Comment