1 HULI SA PEKENG FEEDS NG HIPON

BINITBIT ang isang lalaki habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan makaraang magbenta ng pekeng pagkain ng hipon sa isang negosyante sa Tagaytay City noong Huwebes ng hapon.

Hawak ngayon ng Tagaytay City Police ang suspek na si Jerome Barcelona, nasa hustong edad, habang tinutugis ang tatlong kasamahan nito kabilang ang isang nagngangalang Manuel Layug y Valencia na nakatakas.

Ayon sa reklamo ni Delmar Baltazar, isang negosyante, kay PSMS Darwin Jaime, kasama ang isang Roel Agapito y Tala, 35, isang buy and sell agent, nagkasundo sila at mga suspek na magkikita dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon sa Purok 3 Neogan, Tagaytay City para sa pagkain ng hipon na nagkakahalaga ng P100,000.

Pero nang inspeksiyunin ang naturang produkto, nalaman nilang peke ang ibinentang pagkain ng hipon dahilan upang dakmain nila si Barcelona, gayunman nakatakbo ang tatlong kasamahan nito.

Kasong estafa ang kinahaharap ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment