100K PRESO PINALAYA, 27K MULING NAHULI AT NAKULONG – BJMP

PRESO-2

ITO ang datos na inilabas ng Bureau Of Jail Management and Penology (BJMP) kasabay ng paglalatag ng kanilang dalawang makabagong proseso para tugunan ang siksikan sa mga piitan, ang muling pagkakasala ng pinalayang inmates, at iba pang mahalagang mga isyu sa loob ng mga kulungan sa Pilipinas, sa ginanap na pampublikong revalida kasama ang Institute for Solidarity in Asia (ISA).

Nabatid na nasungkit ng BJMP ang Gold Trailblazer Award at iginawad ang Initiation Status sa ilalim ng framework ng good governance ng ISA at Performance Governance System (PGS).

Ang public revalida ay isang demokratikong ehersisyo na nagpapatunay sa pagkumpleto ng mga pampublikong institusyon sa apat na yugto ng PGS.

At kabilang sa mga naka-enroll na institusyon ang Armed Forces of the Philippines at Department of Health, bukod sa iba pa gaya ng BJMP.

Pinangunahan ni BJMP Chief J/Dir. Ruel S. Rivera, nanunungkulan bilang acting chief ng BJMP simula noong Marso 2023, ang isinagawang revalida.

Sinimulan ng BJMP ang pagtahak sa PGS noong Abril 2023 at ipinoposisyon ang kawanihan upang matugunan ang mga pambansang pamantayan, at holistic na pamamahala ng kulungan na ginagabayan ng mga pinakamahusay na pandaigdigang sistema.

Ayon kay Jail Director General Rivera, halos 100,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang muling naisama sa lipunan noong nakaraang taon, habang mahigit 27,000 ang naging re-offenders batay sa populasyon ng bilangguan noong 2022.

Tinukoy ni Rivera ang kakulangan ng tamang assessment at pangangalaga sa mga PDL mula sa kulungan hanggang sa kanilang pagbabalik sa mga komunidad, ang nakikita para higit pang mapataas ang kalidad ng serbisyo ng BJMP.

(JESSE KABEL RUIZ)

81

Related posts

Leave a Comment