11TH OFWs AND FAMILY SUMMIT DINAGSA

DINAGSA ang 11th OFW and Family Summit ngayong Biyernes sa The Tent sa Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Bukas ang summit sa lahat ng overseas Filipino workers at kanilang pamilya, na inaasahang magbibigay ng pagkakataon na makatuklas ng iba pang oportunidad na maaaring pagkakitaan tulad ng negosyo at iba pang investments.

Ang lahat ng nagparehistro ay may pagkakataong manalo ng house and lot mula sa Camella, motorcycle, grocery package, at iba pang gift prizes.

May mga booth din dito para sa mga problema ng OFWs upang sila ay agarang matulungan at job opportunities sa ibang bansa.

Dumalo sa okasyon si Senadora Cynthia Villar, Congresswoman Camille Villar, OWWA Administrator Arnel Ignacio, DMW Secretary Susan Toots Ople, mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, DFA, DOLE, DTI, SSS, PagIbig,Tesda at iba pang opisyal ng gobyerno.

Sa pahayag ni Cong. Villar, nakatutuwang isipin na ito na ang ika-11 OFWs Family Summit kung saan maraming natulungan na OFWs at pamilya nila na natutong maghanapbuhay. (DANNY BACOLOD)

11

Related posts

Leave a Comment