(NI AMIHAN SABILLO)
PUMALO na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 69,000 indibidwal mula sa 3 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Hanna at hanging habagat, sakop ang Region 1, Region 3 at MIMAROPA.
Sa inilabas na ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga pamilyang apektado ay lumikas na sa matataas na lugar habang mahigit 100 na pamilya o katumbas ng mahigit 400 indibidwal naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers.
Aabot sa mahigit 400 mga lugar ang binaha dulot ng masamang panahon. Maliban sa Region 1, 3 at MIMAROPA, binaha rin ang CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at National Capital Region.
Sinabi ng NDRRMC, unti-unti nang humuhupa ang baha sa ilang lugar, bukod sa pagbaha, nakapagtala rin ang NDRRMC ng 20 insidente ng landslide.
181