180 CHINESE NATIONALS IPINA-DEPORT NG BI

UMABOT sa 180 Chinese nationals ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) at inihatid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing Chinese nationals ay kabilang sa mga inaresto sa isang operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center (WCPC) sa Pasay City.

Ang nasabing mga dayuhan na nakita sa lugar sa Smart Web Technology Corp., ay kabilang sa mga sangkot sa human trafficking activities kabilang ang prostitution at labor exploitation.

“Their activities are contrary to local laws and public interest, hence making them undesirable aliens,” ani Tansingco.

Isang summary deportation order ang inisyu ng BI laban sa 180 na dayuhan dahil sa pagiging undocumented at undesirable aliens.

Isinakay ang mga ito sa Philippine Airlines patungong Shanghai.

Ang pangalan ng mga na-deport na dayuhan ay isinama rin sa listahan ng BI’s database ng blacklisted aliens.

“We will not tolerate foreign nationals who abuse our hospitality and use our land for their unscrupulous activities,” pahayag ni Tansingco. “Foreigners who blatantly violate our laws will face deportation and blacklisting,” babala pa ng opisyal.

(JOCELYN DOMENDEN)

201

Related posts

Leave a Comment