1K BAGS NG SMUGGLED YELLOW ONIONS NAKUMPISKA

NAKUMPISKA ng magkasanib na puwersa ng pamahalaan ang 1,000 bags ng smuggled na dilaw na sibuyas sa isang bodega sa Sto. Cristo Street, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Sinalakay ang nasabing bodega sa DNR Building sa nasabing lugar sa pangunguna ni P/Major Johny Boy Itcay ng Regional Special Operation Group ng NCRPO, kasama sina SA2 Antero Prado ng Bureau of Customs; Lito Litlero ng Department of Agriculture; Melvin Banagbanag ng Bureau of Plant and Industry; Lieutenant Mark Mangoyob ng Philippine Coast Guard, alinsunod sa direktiba ni

P/Colonel Romano Cardiño, hepe ng Regional Investigation Division ng NCRPO.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing smuggled yellow unions, na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10611 o Food Safety Act 2013. (RENE CRISOSTOMO)

33

Related posts

Leave a Comment