2 HOLDAPER NABITAG SA MAYNILA

DALAWANG hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga operatiba ng Manila Police District, kabilang ang isang sangkot sa pagpatay, sa ikinasang anti-criminality operation sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Unang naaresto ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, ang suspek na si Roberto Aquiño, 35, ng Tondo.

Ayon kina Police Corporal Cristopher Escreza, kasama ang iba pang mga tauhan ng Smokey Police Community Precinct, sakop ng Station 1, bandang alas-3:00 ng hapon, inaresto ang suspek makaraang makumpiskahan ng pen gun na may isang bala, sa Barangay 128 sa Tondo.

Samantala, sa isinagawang Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Operation ang mga operatiba ng Station 1, nadakip ang isang 19-anyos na lalaki na nakumpiskahan ng improvised shotgun o sumpak sa Barangay 116,Tondo bandang alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa ulat, sangkot ito sa shooting incident noong Setyembre 29, 2020 na ikinamatay ng isang biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

264

Related posts

Leave a Comment