2 KUBRADOR NG LOTTENG TIMBOG SA TONDO

BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, ang dalawang kubrador ng ilegal na sugal sa Gagalangin Street, Barangay 179, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang mga suspek na sina Mario Santos, 66, at Helen Vere, 51, kapwa may asawa.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang alas-8:55 ng gabi nang matimbog ang dalawa sa bahay ni Santos sa Rosalina Street, Gagalangin, Tondo

Nadakip ang dalawang suspek makaraang itimbre ng dalawang impormante ang hinggil sa umano’y talamak na tayaan ng EZ 2 (Lotteng) sa buong area ng Tondo.

(RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment