2 KULONG SA P1.6-M SHABU, BARIL

DINAKIP ang dalawang lalaki makaranag makumpiskahan ng mahigit P1.6 milyong halaga ng shabu at matataas ang kalibre ng armas sa buy-bust operation sa Valenzuela City noong Martes ng gabi.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek na sina Glenn Perciana y Molet, 39, at Joebert Basito y Dequito, 41-anyos.

Nadakip ang mga suspek alas-9:30 ng gabi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bahay ni Perciana.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang tinatayang 240 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P 1,632,000 ang halaga.

Nakuha rin sa mga suspek ang buy-bust money, isang pouch, dalawang cellular phone, isang timbangan, M16 assault rifle, shotgun at mga bala ng nasabing mga armas. (ALAIN AJERO)

98

Related posts

Leave a Comment