(NI ABBY MENDOZA)
DALA ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinalalakas ng dalawang Low Pressure Area at isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility(PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn, una na itong nakalabas ng PAR, humina at naging LPA subalit sa wind forecast ahensya ay inaasahang babalik ito ng PAR sa loob ng susunod na 48 oras.
Ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales, mababa ang tsansa nitong maging bagyo.
Nasa labas din ng PAR ang tropical storm na may international name na ‘Peipah.’ na maliit din ang tsansa pumasok ng PAR.
Walang direktang epekto ang LPA at bagyo sa PAR subalit napalalakas nito ang habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-uulan sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas region.
Samantala, umabot na sa 186-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam, tumaas ito ng halos 1 metro dala ng ulan na hinatid ng bagyong Marilyn.
Sinabi ng Pagasa Hydrology Division na maaabot ang 200 meter level sa Angat Dam dahil na rin sa inaasahang pagpasok pa ng mga bagyo bago matapos ang taon.
187