2 MWP ARESTADO SA VALENZUELA, CALOOCAN

DALAWANG most wanted persons ang nasakote ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan noong Huwebes.

Dinakip si Ronald Alingco y Rarugal alyas “Nono”, 28, binata, ng Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City, na pinaghahanap dahil sa kasong two counts ng child abuse.

Inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong Disyembre 1, 2022, ang warrant of arrest na ginamit sa pagdakip kay Alingco.

Samantala, dinampot ng mga awtoridad si John Paul Fowler y Contreras, 29, binata, driver, ng Barangay 160, Baesa, Caloocan City dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga. Walang inirekomendang pyansa ang korte para nasabing kaso.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Victoriano Bañez Cabanos, ng RTC Branch 127, Caloocan City noong Nobyembre 25, 2022. (ALAIN AJERO)

129

Related posts

Leave a Comment