2 NABITAG NG CIDG SA CRYPTO INVESTMENT SCAM

NADAKIP ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-SMMDFU ang dalawa katao na responsable umano sa crypto investment scam sa Pasay City.

Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Col. Randy Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo Cruz, kinilala ang mga nadakip na sina Anthony Bersaluna y Olamit, 40, naninirahan sa Taguig City, at Mary Sweet Elipanio y Serapio, 39, entertainer, residente ng Bacoor, Cavite.

Ang mga suspek ay inaresto kaugnay sa CIDG Flagship Project OPLAN OLEA and SALIKOP in relation to SACLEO with pre ops # 04-25-2022-004-SDFU, dakong ala-una ng hapon noong Abril 26, 2022 sa La Fiesta Seaside Boulevard, Pasay City

Ayon sa ulat, si Bersaluna, lider umano ng crypto scamming syndicate, ay muling humingi ng pera sa mga nabiktima niya sa investment scam.

Makaraang matanggap ang nasabing impormasyon, ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU ay nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sinampahan ng kasong estafa.

Nakumpiska sa arestadong mga suspek ang isang piraso ng P1,000 bill dusted money with serial number DD502746 na inilagay sa ibabaw ng boodle money.

Sinasabing ang mga suspek ay miyembro ng Aya estafa and frauding criminal group sa ilalim ng IR number NCRCIDU SMM -22-02-003, na sangkot sa estafa at scamming activities sa southern part ng Metro Manila.

Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang constitutional rights sa lenggwaheng kanilang nauunawaan.

Sila ay nasa kustodiya ng CIDG para sa documentation and proper disposition.

 

220

Related posts

Leave a Comment