2 TIRADOR NG KABLE NAHULI SA AKTO

kulong

SWAK sa selda ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 ang dalawang indibidwal makaraang maaktuhang nilalagare ang internet cable noong Sabado ng madaling araw sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina “Edwin”, 39, construction worker, at isang alyas “Jester “, 20, binata, jobless.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang kapwa matimbog ang dalawang suspek habang aktong nilalagare ang kable ng internet sa S.H. Loyola Street malapit sa Cayco St. sakop ng Barangay 457 sa Sampaloc. (RENE CRISOSTOMO)

129

Related posts

Leave a Comment