KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan.
Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami nang test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na.
“As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID-19 test.
Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma-trace at magamot ang mga tinamaan ng coronavirus
disease.
Nauna rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang 10 percent lamang ng populasyon ng bansa ang kakayaning maisalang sa test na kaya aniyang maisakatuparan hanggang sa susunod na taon. (CHRISTIAN DALE)
155