ISA na namang madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng Armed Forces of the Philippine at Communist Party of the Philippines armed wing na New People’s Army na ikinamatay ng tatlo nilang kadre at nabawi ang dalawang high powered firearms sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon sa Philippine Army 3rd Infantry Division, nakasagupa ng kanilang 61st Infantry Battalion ang grupo ng Communist Terrorist Group (CTG) sa hangganan ng Barangay Cagay at Danao sa Leon, Iloilo.
Kahapon bandang alas-10:20 ng umaga ay nagsumbong ang mga residente hinggil sa presensya ng armadong CTG’s Sibat Platoon, Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay, na nagsasagawa umano ng extortion at criminal activities sa lugar kaya agad itong nirespondehan ng 61st IB, ayon kay Lt. Col. Jay Javines, chief, 3rd Division Public Affairs Office.
Matapos ang sagupaan ay nadiskubre sa clearing operation ang tatlong bangkay ng NPA na inabandona ng kanilang tumakas na mga kasamahan bukod pa sa dalawang M16 rifles at subversive documents with high intelligence value.
Ipinagmalaki ng Army 3ID na walang nasugatan sa panig ng pamahalaan na kasalukuyang tinutugis ang mga tumakas na CPP-NPA.
Nabatid na ang sagupaan sa boundary ng Cagay at Danao ay ika-anim nang encounter sa pagitan ng 61st IB at ng CTG bayan ng Leon na mahigit isang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang huling engkwentro sa Barangay Camandag, dalawang linggo lamang ang nakalilipas.
“The leadership of the Army’s 3rd Infantry Division reiterates its persistent call to the remaining Communist Terrorists to surrender and return to the government fold.
“There will be no letup in our combat operations. We will pursue the remaining Communist NPA Terrorists (CNTs) until none of them remain to sow violence and threaten the peace in our communities. Nevertheless, our call for them to lay down their firearms and avail themselves of the government’s programs remains unchanged,” ani Col. Javines.
(JESSE KABEL RUIZ)
