3 TULAK TIMBOG SA ANTI-DRUGS OPERATION SA BASECO

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 noong Miyerkoles ng gabi sa Block 5, Extension, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ting Solayman, 42; Oti Dali, 33; at Jericho Gelardiso, 22, pawang mga residente ng nasabing lugar

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-11:10 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na 5.3 gramo ang timbang at may street value na halagang P36,040.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (RENE CRISOSTOMO)

70

Related posts

Leave a Comment