TINATAYANG may 33% adult Filipino ang nagsabi na mas maayos ang kalidad ng kanilang buhay kumpara sa 12 buwan na nakalipas habang 22% naman ang nakaranas ng malalang kondisyon.
May 45% ang napaulat na ‘walang pagbabago” mula sa nakalipas na taon.
Ito ang inihayag ng Social Weather Stations (SWS) base sa resulta ng kanilang nationwide survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 at ipinalabas nitong Martes, Oktubre 10.
Gumamit ang SWS ng terminong “gainers” para sa mga naniniwalang ang kalidad ng kanilang buhay ay naging mas maayos, “losers” para sa mga taong nag-iisip na ang kalidad ng kanilang buhay ay lumala at “unchanged” para sa mga nagsabi na wala namang nabago.
Ang pinakabagong pigura ay na-translate sa net gainers score na +11 (porsyento ng gainers minus porsyento ng losers), na classified ng SWS bilang “very high” (+10 hanggang +19).
“The June 2023 Net Gainer score was six points above the high +5 in March 2023. However, it is still seven points below the pre-pandemic level of very high +18 in December 2019,” ayon sa SWS.
Tinukoy ng SWS na kumpara sa March 2023, ang net gainers ay tumaas mula “high to very high” sa Kalakhang Maynila, tumaas ng 16 puntos mula +2 hanggang +18.
Tumaas din ito mula “mediocre tungo sa very high” sa Visayas, tumaas ng 24 puntos mula -14 hanggang +10.
Samantala, nananatili namang “very high” sa Balance Luzon, bahagyang gumalaw mula sa +12 ay naging +13, habang nananatiling mataas sa Mindanao, bagaman bumaba ng 4 puntos mula +6 ay naging +2.
Kumpara sa March 2023, sinabi ng SWS na ang net gainers ay nananatiling excellent sa hanay ng mga college graduates, tumaas ng limang puntos mula sa +20 ay naging +25.
Ang Second Quarter 2023 SWS survey ay ginawa nang face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents nationwide, na may sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages, ±4% sa Balance Luzon, at ±5.7% sa Kalakhang Maynila.
(CHRISTIAN DALE)
129