NADISKUBRE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na umano’y biktima ng isang sindikato ng human trafficking makaraang masabat ang sinasakyan nilang sea vessel sa karagatan ng Tawi-Tawi noong nakaraang Biyernes.
Base sa ulat ng PCG-Maritime Security Law Enforcement Command (MARSLEC), nasabat nila ang apat na kababaihan habang lulan ng M/V Everqueen na patungo sa Malaysia gamit ang “backdoor channel” ng bansa.
Ipinagtapat ng apat na magtatrabaho umano sila bilang loggers ng J/T Logging Company at inamin na wala silang kaukulang mga dokumento.
Dinala ang apat na indibidwal sa Bongao Municipal Inter-agency Committee Against Trafficking (MIACAT) para sa tamang disposisyon.
(RENE CRISOSTOMO)
