4 TULAK, HULI SA P.6-M SHABU

HUMANTONG sa likod ng rehas na bakal ang apat na indibidwal na umano’y magkakasabwat sa bentahan ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Intramuros, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang target ng operasyon na si Aldwin Dela Cruz alyas “Boss”, residente ng Barangay 726, Paco, Manila.

Binitbit din sa presinto ang umano’y mga kasabwat nito na sina “Robie”, 35; “Monica”, 26, at “Maren”, 38-anyos.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, bandang 8:00 ng gabi noong Lunes nang mahulog ang mga suspek sa kamay ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sta. Lucia Street malapit sa panulukan ng Real St., Brgy. 658.

Nakumpiska sa mga suspek ang 100 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P680,000 ang halaga.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

163

Related posts

Leave a Comment