45M PINOY BAKUNADO NA

PUMALO na sa 45 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19.

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.”

Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang dose vaccine ay 60,212,001.

“These make the total doses of COVID-19 vaccine administered so far at 102,995,133 million as of December 21,” ayon kay Nograles.

Target naman ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino bago matapos ang taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Nagsimula ang gobyerno ng COVID-19 vaccination program noong Marso 1, subalit ang pagbabakuna naman sa mga may edad na 12 hanggang 17 ay hindi nasimulan hangga’t hindi dumating ang kalagitnaan ng Nobyembre. (CHRISTIAN DALE)

7

Related posts

Leave a Comment