5 TIKLO SA BARIL, DROGA SA PASUGALAN

CAVITE – Baril at droga ang bumulaga sa mga operatiba ng Cavite Police nang magsagawa ng anti-criminality operation sa isang pasugalan na nagresulta sa pagkakaaresto sa lima katao sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong RA 10591 at RA 9165 ang mga suspek na sina Jonathan Saulda y Coloma, 20; habang parehong paglabag sa RA 9165 ang ikinaso kina Efren Saulda y Coloma, 24, at John Mark Gammad y Yucor, 24, isang massage therapist; paglabag naman sa RA 1602 sina Rowena Bitoy y Derecho, 50, at Lerma Dusol y Flores, 51, pawang mga residente ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawalig ng Dasmariñas City Police, nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga operatiba ng Intel/Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas CPS, nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa grupo ng kalalakihan na naglalaro ng pusoy sa Brgy. Salawag , Dasmariñas City, dakong alas-11:41 ng gabi noong Martes.

Nabulaga ang mga suspek habang nagsusugal at nakumpiska sa mga ito ang isang kalibre .38 na baril, limang bala, siyam na sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P110 halaga ng pusta. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment