5 TODAS, 2 SUGATAN SA SUNOG SA NAVOTAS

LIMA ang patay habang dalawa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Navotas City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang mga namatay na sina Teresa Lopez, 40; Darlene Baluyot, 19; Asuncion Tongco Gonzales, 50; Diorella Gonzales, 18, at isang 2-anyos na lalaking paslit.

Sugatan naman sina Carlos Oledan, 51, at Josefina Sarate, 64-anyos.

Ayon sa ulat, nagsimulang magliyab ang isang bahay residential area sa Brgy.  Bagumbayan, ng lungsod bago mag-alas-4:00 ng hapon at umabot sa ikalimang alarma dakong 6:11 ng gabi.

Yari sa light materials ang magkakadikit na bahay na nasa tabi ng dagat kung saan malakas ang ihip ng hangin kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog dakong alas-8:22 ng gabi at idineklarang under control dakong 8:29 ng gabi. (ALAIN AJERO)

46

Related posts

Leave a Comment