MAY 50 kapitan ng barangay ang mapapatawan ng preventive suspension habang iniimbestigahan ng Ombudsman ang administrative aspect ng kaso ng mga ito.
Ito ang mga barangay captain na nagkaroon ng malversation, corruption, estafa at iba pang graft- related anomalies sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
“So ito po ay mayroong 13 sa NCR; 13 sa Region I; 10 sa Region II; 3 sa Region III; at 11 po sa Region IV-A, total of 50 barangay captains. Ito po ‘yung initial at ang mga iba pa ay isusunod lang
po sa patuloy na pag-iimbestiga ng ating Ombudsman,” ayon kay Año.
Sinabi ni Año, na ang 50 barangay captains ay kabilang sa 155 na inireklamo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Nakipag-ugnayan na aniya siya kay Ombudsman [Samuel] Martires at ang kanyang opisina ay nakapagsumite na ng mga kaso at sa loob ng linggong ito ay inaasahan ni Año na initially ay
limampung barangay captain ang magkakaroon ng preventive suspension habang iniimbestigahan ng Ombudsman ang administrative aspect ng kaso ng mga ito.
Samantala, sinabi naman ni Pangulong Duterte na talagang ipinahabol niya kay Año ang mga barangay official na sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng SAP. (CHRISTIAN DALE)
81