6 CTG PATAY SA ENGKWENTRO SA SULTAN KUDARAT

patay

MULI na namang nalagasan ang hanay ng communist terrorist group nang makasagupa ang mga tropa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion sa Sitio Sandigan at Sitio Mudti sa Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, kinilala ang mga napatay na sina Dennis Dolunan alias “Kalbo”, executive committee member, Deputy Secretary ng East Daguma Front remnants ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR); Lailyn alias Aira, ang misis ni alyas “Kalbo” at siya rin ang medic ng kanilang pangkat; Sep Kasa alias “HO”; Jerry Kasa alias “Kikil” at dalawang lalaki na wala pang pagkakakilanlan.

Ayon kay Lt. Col. Frederick Chicote, Commanding Officer ng 7IB, alas-5:30 ng umaga noong Huwebes, Nobyembre 24, nang makasagupa ng mga tropa ng 7IB ang sampung miyembro ng CPP-New People’s Army na tumagal ng halos kalahating oras.

Narekober ng mga tropa ng pamahalaan ang isang AK47, tatlong mga M16 rifle, mga magazine, bala, tatlong bandolier, apat na analog keypad cellphones, dalawang charger, headset, wallet, OR/CR ng motorsiklo na nakapangalan kay Nales Saliling, certification of motorcycle na nakapangalan kay Jerry Kasa, mga subersibong dokumento at mga personal na gamit.

“This recent encounter exemplifies that the CTG capabilities are significantly degraded. Rest assured that we will sustain our current campaign and strengthen our partnership with all stakeholders to destroy the remaining threat groups who refuse to return to the folds of the law,” ani Western Mindanao Command Acting Commander, Marine Brig. Gen. Arturo Rojas.

Wala namang nasaktan sa panig ng mga kawal ng gobyerno. (JESSE KABEL RUIZ)

3

Related posts

Leave a Comment