(NI ABBY MENDOZA)
NAPANATILI ng bagyong ‘Jenny’ ang taglay nitong lakas habang papalapit sa Aurora Province kung saan inaasahan itong magla-landfall.
Anim na lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 habang 23 ang nasa ilalim ng storm signal No 2.
Nasa ilalim ng Signal no 2 ang Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province.
Habang Signal No 1 naman ang umiiral sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Quezon,Cavite,Laguna, Camarines Norte, northeastern part ng Camarines Sur at Catanduanes.
Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) sa mga residente ng Aurora province sa posibleng pagbaha at landslide kasunod ng inaasahang landfall ng bagyong Jenny sa lalawigan sa pagitan ng alas-9:00 ng gabi ng Martes hanggang ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkoles, Agosto 28.
Asahan na magiging maulan sa Cordillera Administrative Region, Isabela, Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Quezon kabilang ang Polillo Island gayundin ay makakaranas ng tuloy tuloy na paguulan sa Metro Manila, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at nalalabing bahagi ng Luzon
Ang bagyong ‘Jenny’ ay huling namataan 290km East ng Infanta na kumikilos sa bilis na 35kph, taglay ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 80kph.
128