6 PULIS DINISARMAHAN SA PANGONGOTONG

pulis
0

PINADISARMAHAN ni PNP National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Vicente Danao Jr. ang anim na miyembro ng Manila Police District at ipinag-utos ang agaran at malaliman imbestigasyon hinggil sa umano’y pangongotong ng mga ito na posibleng ikasibak sa kanilang serbisyo.

Nakarating kay Gen. Danao ang ginawa umanong robbery extortion ng anim na miyembro ng pulisya sa isang SK Chairman.

“WE never tolerate any wrongdoings of our personnel on the ground especially in illegal drugs and bangketa and as part of our Oplan LITIS o Linisin, Litisin Tiwali at Iskalawag sa hanay eh, rest assured that appropriate actions will be serve sa mga tiwali. I would also like to commend the Station commander of MPD PS2 P/Lt. Col. Gallora for his swift action. Gabayan natin ang matitinong kapulisan pero let us police our own ranks and exercise our leadership, Again, my stern warning sa mangilan-ngilan na lamang na mga tiwali, change your ways dahil may kalalagyan kayo!” ani Danao.

Una rito, naghain ng reklamo ang isang Jericho Laniog, 24-anyos, SK chairman at residente ng Doroteo Jose Street, Brgy. 313, Sta. Cruz, Manila, laban sa mga pulis na sina Patrolman Kenneth Cordova, P/Corporal Johndee Toledo, Pat. Danny Rangaig, P/Staff Sgt. Jeffrey Mejia, P/Cpl. Jigie Azores at P/Cpl. Kevin John Villanueva.

Ayon sa reklamo ni Laniog, habang sila ng mga kaibigan niya ay nakatambay at nagkukuwentuhan sa Luzon St. sa Barangay 314, Sta. Cruz, Manila, ala-1:00 ng madaling araw noong Oktubre 14, 2021 ay sinita at inaresto sila ng nasabing mga pulis dahil sa paglabag sa curfew hours.

Kasunod nito, kinapkapan sila at ang isa sa kasamahan niya ay sinasabing nakuhanan ng pipe na gamit sa ilegal na droga.

Dinala sila sa Padre Algue Police Community Precinct at doon ay sinabihan na magprodyus ng pera upang makalaya.

Nagawa ni Laniog na isangla ang kanyang motorsiklo at kwintas kaya nakapagbigay umano siya ng P47,000.

Nang malaman ni P/Lt. Colonel Magno Gallora, hepe ng TMRU ng MPD-Station 2, ang insidente ay pinagharap ang mga ito at positibong kinilala ni Laniog ang mga pulis na nangotong umano sa kanya.

Agad namang dinisarmahan ang anim na pulis at pinosasan bago itinurn-over sa MPD-General Assignment and Investigation Section para sa kaukulang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment