7 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO 1; ‘RAMON’ LUMAKAS PA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

MAS lumakas pa ang bagyong Ramon na isa nang tropical storm kung saan pitong  lalawigan ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 1.

Nasa ilalim ng tropical storm warning signal No 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon.

Ang bagyo ay huling namataan sa Catarman Northern Samar, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na 70kph.

Asahan umano na magiging maulan sa nasabing lugar kaya ibinabala ng PAGASA na maaaring magkaroon ng landslides at pagbaha.

Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Esperanca Cayanan, Bicol Region at Eastern Visayas ang madaraanan ng bagyo kaya ngayon pa lamang ay dapat na maghanda ang mga local government units at mga residente sa posibleng paglikas kung kinakailangan.

“‘Yun pong mga lugar na basa pa ‘yung kanilang kabundukan, matataas pa ‘yung mga tubig sa kanilang ilog at sa kanilang mga reservoir, ay kailangan po talagang tutukan. Dahil ‘yung ulan na nakikita po natin, hindi man ito tuloy-tuloy na malakas, pero may pagbugso…. Maaring umuulan pala doon sa bundok at ito ay magdudulot ng pagbaha doon sa kapatagan…so kailangan po natin magbantay, maging handa,” pahayag ni Cayanan.

Nakataas din ang gale warning na nagbabawal sa paglalayag sa  mga maliliit na sasakyang pandagat kabilang sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur,Isabela, Aurora at Camarines Provinces.

Kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyo ay inaasahang sa araw ng Sabado ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

 

318

Related posts

Leave a Comment