8 TIKLO SA P.3-M SHABU

UMABOT sa halos P.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa walong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City.

Bandang alas-11:10 ng gabi noong Biyernes nang isagawa ang operasyon sa Kapalaran 3 St., Brgy. San Roque kung saan nadakma sina Lerick Razon, 29, painter, at Regie Reyes, 26, kapwa ng lungsod, na nakumpiskahan ng 10.3 gramo ng shabu na may presyong P70,040, at P500 marked money.

Nauna rito, 10 gramo ng shabu na may halagang P68,000, at P300 buy- bust money ang nasamsam kina Isagani Calidro alyas “Gani”, 43, at John Mark Gallego, 18, kapwa ng Malabon City, nang mahuli sa operasyon sa M. Naval St., Brgy. North Bay Boulevard South dakong alas-10:30 ng gabi.

Sa Brgy. San Roque, nalambat naman sa Judge A. Roldan St., dakong alas-9:45 ng gabi sina Jeffrey Jaime alyas “Jepok”, 32, at Anariza Juaton alyas “Ana,” 45, at nakumpiskahan ng 10.15 gramo ng shabu na P69,020 ang halaga.

Sa nasabi pa ring barangay, dakong alas-9:35 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Leongson St. kung saan natimbog sina Glaiza Terambulo, 33, at Christopher Beltran alyas “Tupe”, 43, na nakuhanan ng 11 gramo ng shabu na P74,800 ang halaga, at P500 buy-bust money. (ALAIN AJERO)

16

Related posts

Leave a Comment