AMOK NA ARMADO NG ICEPICK ARESTADO

INARESTO sa mga operatiba ng Paco Police Community Precinct sakop ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, ang isang 20-anyos na lalaki na naghamon ng away habang armado ng 13 pulgadang ice pick sa Barangay 736, Malate, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Sonny Bacunawa, 20, kaanib ng Sputnik Gang at residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat nina Police Patrolman Johann Bren Turingan at Police Patrolman Vince Bermudez, nakatalaga sa nasabing PCP, bandang alas-2:50 ng madaling araw nang posasan ang suspek.

Una rito, nagsasagawa ng foot patrol ang dalawang pulis nang humingi ng tulong ang isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking armado ng ice pick at naghahamon ng away.

Agad namang nagresponde ang mga pulis ngunit sinabi umano ng suspek na huwag silang makialam.

Agad namang nadakma ito ng mga pulis at mabilis na pinosasan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong illegal possession of bladed, pointed or blunt weapons, at resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person. (RENE CRISOSTOMO)

74

Related posts

Leave a Comment