ANAK NI GOV. DEGAMO NAGWALA! ABALOS NILAGLAG

SA kabila nang unti-unting paglinaw ng kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa matapos ang pagsisiwalat ng mga nahuling suspek sa nangyaring Pamplona massacre noong March 4 ay ikinalungkot naman ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang hindi naging magandang karanasan umano ng mga suspek sa mga alagad ng batas na dumanas ng pananakot at pananakit upang ang hindi lumabas ang katotohanan at mapanagot ang tunay na may sala sa krimen.

Samantala, sapul sa cctv ang pagwawala at pag name drop umano kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng adopted son ni Governor Degamo na si board member Carlo Degamo matapos umanong akusahan nito ang mobile patrol unit ng Dumaguete police na kapareho nito ang bumangga sa kanilang sasakyan na itinanggi naman ng mga bodygurads ng Degamo.

Pinayuhan umano ng pulisya ang nagwawala at lasing na si Degamo na iblotter ang insidente ngunit tumanggi ito at patuloy ang pagtataas ng boses sa harap ng pulisya na ginagawa lamang ang kanilang trabaho at pagyayabang nito na magsusumbong kay Abalos.

Ang masamang pambabato ng putik ng mga Degamo sa political rival ng mga ito sa mga Teves ay sa kanila rin pala bumabalik sa mata ng taumbayan naka saksi sa tunay na asal ng mga Degamo lalo sa mga unipimadong pulisya na naging kalmado sa insidente.

Kaugnay ng pagbaliktad ng testimonya ng mga suspek sa tunay na pangyayari na pinilit lamang umano silang ituro at idiin si Teves bilang mastermind sa pagpatay kay Degamo ay tila hindi naman matanggap ng biyuda ng napaslang na Gobernador na si Mayor Janice Degamo ang katotohanan at pilit na idinidiin ang kongresista.

Habang hindi pa rin ligtas ang buhay ni Teves sa kabila ng seryosong banta sa kanyang buhay ay nagdesisyon pa rin itong manatili sa ibang bansa habang naghain na rin ang kampo nito ng motion to dismiss para sa murder complaints na inihain laban sa kongresista kaugnay sa 2019 Negros Oriental killings na inaakusa muli kay Teves. Giit ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ay mahina ang ebidensya para isangkot si Teves dito. (RUDY SIM)

322

Related posts

Leave a Comment