(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) member economies na tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng service sector ng rehiyon partikular na ang “shipping at logistic services”.
Ito kasi ani Pangulong Marcos ang nagsisilbing ‘backbone’ ng global trade at investment.
Sa interbensyon ng Pangulo sa APEC Leader’s Speech and Formal Dialogue, umapela ang Chief Executive na tuldukan na ang diskriminasyon laban sa mga produkto na nagmula sa maliliit na negosyo.
Nanawagan din ang Pangulo sa APEC leaders na tugunan ang climate change, sabay sabing ito ang “the greatest existential threat” na nakaaapekto sa rehiyon.
“APEC has done remarkable work in embedding a sustainability agenda as part of its Vision and Action Plan. We should act swiftly to set it in motion,” ayon kay Pangulong Marcos.
Aniya, dapat lamang na mag-contribute ang regional economic bloc sa “trade at investment environment” na tutulong sa mga economies “in cutting greenhouse gas emissions, facilitating climate financing, and ensuring genuine and effective technology transfer for the most vulnerable developing countries.”
Aniya, maaari namang isulong ng APEC ang “closer cooperation” para tugunan ang “plastics pollution, encourage sustainable plastics trade, and move towards a circular regional economy.”
Samantala, maingat namang sinusuri ng Pilipinas ang pagpapataw ng excise tax sa single-use plastic kontra plastic pollution pabor sa mas maraming “sustainable alternatives.”
PBBM sumikat
sa APEC
Sumikat si Pangulong Marcos Jr., bilang “isang magaling na pandaigdigang pinuno na nagsusulong ng Pilipinas” sa Asia-Pacific Economic Cooperation 2022 (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Ganito inilarawan ni House Speaker Martin Romualdez ang performances ni Marcos sa summit. Maging si dating pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay pinalakpakan ang Pangulo.
Ayon sa lider ng Kamara, hindi lamang epektibong naipahayag ni Pangulong Marcos ang posisyon ng Pilipinas sa mga pandaigdigang usapin, kundi nakapagtatag din siya ng mainit na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa pinuno ng mga bansa, lalo na sa mga idinaos na bilateral meetings habang sila ay dumadalo sa pulong ng APEC.
“The points the President has raised during the various APEC sessions resonated with other leaders of member economies and attuned with the common objective to revitalize the Asia-Pacific region as the main engine of global economic recovery and growth,” ani Romualdez.
Ipinahayag din aniya ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Eric Tamayo na lahat ng pahayag ng APEC leaders ay nakalinya at naaayon sa mga posisyon ng Pangulo.
Tinukoy rin ni Romualdez ang talakayan ng lupon sa APEC CEO Summit kung saan sumasang-ayon sina World Economic Forum founder, Prof. Klaus Schwab at Global Chairman of PricewaterhouseCoopers International Limited Robert Moritz, sa lahat ng oras, sa mga pananaw at puntong ipinahayag ni Pangulong Marcos.
Sa kanyang paglahok sa APEC Economic Leaders Retreat Session, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang labis na pangangailangan ng kooperasyon, upang tugunan ang mahahalagang usapin sa kakulangan sa pagkain, pagpapalakas ng pandaigdigang sistema sa kalusugan upang mapagaan ang paglaban sa mga kumakalat na nakahahawang sakit, at ang mas matatag na hakbang sa nagbabagong klima.
“You could see GMA there literally cheering him on and we would see how delighted she was with his performance and the crowd itself was applauding our President for his very, very clear-cut answers, and very incisive,” ayon pa kay Romualdez.
