AYAW MAGPABAKUNA TURUKAN HABANG TULOG – DUTERTE

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.

Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.

“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes.

“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa gabi. Ako ang mag-ano ..turok sa kanila,” ayon sa Chief Executive.

Sinabi naman ni Vince Dizon, deputy chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar.

Aniya, kailangan paigtingin ang information drive upang maipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa data mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections sa hanay ng fully vaccinated individuals sa buong bansa. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment