BA 5 SUBVARIANT NG OMICRON, NAKAPASOK NA SA BANSA

LABING-APAT na kaso ng BQ.1 lineage ng Omicron BA.5 subvariant ang umano’y nakapasok na sa bansa, ayon sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng UP-Philippine Genome Center o PGC noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.

Base sa datos ng Department of Health (DoH), 6,070 samples ang isinalang sa sequencing kung saan kabilang dito ang 525 na uri bilang Omicron BA.2.3.20; 358 na XBB; 254 na XBC; 12 na BA.2.75. at 864 na ibang Omicron subvariants.

Bukod dito, mayroon pang natukoy na 1,645 na Delta variant at subvariants.

Karamihan sa mga kaso ng BA.2.220 ay local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 8 at Caraga.

Nasa 23 ang returning overseas Filipinos ang nakitaan umano nito,

habang anim ang kasalukuyan pang biniberipika.

Samantala, sa mga kaso ng BA.5, 520, ang local cases ay mula sa lahat ng mga rehiyon maliban naman sa Region 8, kung saan lima ang ROFs sa mga ito, 14 ang mga kaso ng BQ.1 habang biniberipika ang isang kaso kung local o ROF.

Sa BQ.1 na kaso, 13 ang local cases mula sa CAR, Region 1, 4A, 7, at NCR.

Sa karagdagang kaso naman ng XBB, 354 dito ang local cases mula Region 1, 3, 4A, 6, 7, 11, 12, CAR at NCR kung saan tatlo ang ROFs habang ang natitirang kaso ay patuloy pang biniberipika.

Lahat naman ng nauri na bagong kaso ng XBC ay local cases mula sa 11 rehiyon, ayon pa sa nasabing ahensiya. (RENE CRISOSTOMO).

17

Related posts

Leave a Comment