(NI KIKO CUETO)
MAY binabantayan na bagong sama ng panahon ang Pagasa sa loob mismo ng Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ang Low Pressure Area 940 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isa itong bagyo.
Pero magdadala ito ng ulan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw.
Ang northeast monsoon o amihan ang magdadala naman ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Maaliwalas na panahon naman ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
238