BAGONG KASO NG OMICRON NADAGDAGAN PA NG 16

covid

INIULAT ng Department of Health ( DoH) na nadagdagan pa ng 16 ang bagong kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 na  natukoy sa bansa, kaya tumaas ang bilang nito sa 44.

Nabatid sa ulat na mula sa Western Visayas, 16 local cases ng “Arcturus” ang nadagdag, batay sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng DoH.

Ang XBB.1.16 ay isang descendent lineage ng XBB, isang recombinant ng dalawang BA.2 descendent lineage.

Nauna nang sinabi ng DoH na ang strain ay may kakayahang umiwas sa immunity at lumilitaw na mas nakahahawa kaysa mga naunang variant.

Nauna na ring kinumpirma na mayroon nang local transmission ng XBB.1.16 dahil may pagtaas ng bilang ng kaso ng variant na walang linkages sa international cases o walang history ng exposure.

May natuklasan ding 118 bagong kaso ng Omicron subvariants.

Sa bilang na 84 ang inuri bilang XBB, kabilang ang 15 XBB.1.5 cases, 47 XBB.1.9.1 cases, 10 XBB.1.9.2 cases at 7 XBB.2.3 cases; 33 bilang BA.2.3.20, at isang kaso bilang iba pang mga sublineage ng omicron.

Ito ang mga resulta ng pinakabagong sequencing run na isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas – Philippine Genome Center Visayas noong Mayo 22.

“All recently detected subvariants were local cases from Region 6.

Please note that results above must be interpreted with caution, since this is primarily affected by sampling biases and other factors such as logistical issues encountered,” ayon sa DoH

Nitong Hunyo 1, ang bansa ay may 15,418 aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa COVID-19 Tracker ng DoH.

Dahil dito, humigit-kumulang 4.1 milyong impeksyon na ang naitala mula nang magsimula ang pandemya, habang 66,466 ang namatay (RENE CRISOSTOMO)

73

Related posts

Leave a Comment