BAGONG SAMA NG PANAHON BINABANTAYAN NG PAGASA

pagasa12

(NI ABBY MENDOZA)

PALABAS na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong ‘Liwayway’, kasabay ng pag-alis sa storm signal na nakataas sa Batanes habang  isang bagong Low Pressure Area(LPA) ang minomonitor sa Philippine Area of Responsibility(PAR).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sama ng panahon sa 1,050 km northeast ng Mindanao, sakaling pumasok ng PAR ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang sama ng panahon dahil malayo pa ito.

Samantala kahit palabas na ng bansa ang bagyong ‘Liwayway’ ay naghahatid pa rin ito ng pag-uulan, asahan pa rin ang mahina hanggang katamtamang pag-uulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR), Zambales at Bataan.

 

64

Related posts

Leave a Comment