(NI ABBY MENDOZA)
NAPANATILI ng bagyong Hanna ang lakas nito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa Pagasa tinatahak na ng bagyo ang direksyong patungong Japan subalit bago ito lumabas ng PAR ay magdadala pa ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa baha at landslide.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph.
Bagamat PAR ang bagyo ngayong Biyernes ng umaga ay asahan pa rin na magiging maulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands sa buong araw dala na rin ng epekto ng buntot ng bagyo habang apektado pa rin ng hanging habagat ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Samantala, ang Low Pressure Area na namataan sa Dagupan City ay inaasahang matutunaw sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Hindi pa rin papasok ng PAR ang bagyo na may international name na Krosa na namataan 1930 kilometers east ng extreme Northern Luzon subalit nahahatak nito ang hanging habagat.
237