BAGYONG ‘LIWAYWAY’ NAMATAAN SA SURIGAO DEL SUR

pagasa rains

(NI DAHLIA S. ANIN)

MATAPOS ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ni bagyong ‘Kabayan’, naging isang ganap na bagyo na rin ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao, ayon sa Pagasa.

Pinangalanang ‘Liwayway’ ang bagong bagyo  na magdadala ng mahina hanggang malakas na pag ulan sa CARAGA at Davao dahil sa extension ni ‘Liwayway’.

Pinag-iingat ang mag residente sa nasabing lugar na nakatira sa bahain at landslide-prone na lugar.

Sa ngayon ay wala pang cyclone wind signals ang nakataas sa mga nasabing lugar.

Huling namataan si ‘Liwayway’ sa layong 405 kilometro Silangan-HilagangSilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 510 kilometro sa Silangan ng Maasin City sa Southern Leyte.

May lakas ito ng hangin na aabot sa 45kph at bugso na 55kph. Kumikilos ito papuntang HilagangKanluran na may bilis na 20kph.

Hindi naman inaasahang maglalandfall ang naturang bagyo. At inaasahang lalabas na ito ng PAR sa Huwebes.

340

Related posts

Leave a Comment