BAGYONG TISOY PUMASOK NA NG BANSA, SAMAR NASA  SIGNAL NO 1 NA

ulan55

(NI ABBY MENDOZA)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.

Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.

Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang Bicol

Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran.

Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa Romblon,Marinduque at Quezon.

Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa sa paglikas.

Pinagbabawal din ang paglalayag sa mga lugar na may storm signal.

 

240

Related posts

Leave a Comment