BAKUNADONG OFW DAPAT OUT NA SA QUARANTINE

HINILING ng isang mambabatas sa mababang kapulungan na tanggalin na ang kwarantina sa mga nagbabalikbayang Pinoy na bakunado na.

Ang kahilingan ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña Taduran ay kaugnay ng ipinatutupad na pitong araw na quarantine sa inaprubahang pasilidad para sa mga balikbayan kahit pa iyong mga nakatapos na ng kanilang bakuna.

Ayon kay Taduran, pabigat lang sa balikbayan ang kwarantina lalo na at mababa na ang panganib na makakuha ito ng virus o maikalat ito kung sila ay nakakumpleto o naturukan na ng full dose ng bakuna laban sa COVID-19.

“Most of the returning Filipinos have a limited time of staying here and are already cash-strapped. All they want is to be with their families for a longer time and spend whatever money they have for pasalubong or other necessities,” ayon kay Taduran.

“I am asking the IATF and the DOH to reconsider this requisite quarantine, especially if the returning Filipino has been fully vaccinated by a WHO-approved COVID-19 vaccine and has no symptoms of the virus upon their return in the country,” pakiusap ni Taduran.

Sa isang pag-aaral na inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, sinasabing ang mga taong nakatapos na ng bakuna, lalo na ng mRNA vaccine, ay mas mababa ang tsansang magkaroon ng impeksyon na walang sintomas at makapaglipat ng virus sa iba.

Ang mga nabakunahan naman ng ibang uri ay napatunayang napapababa ang tsansang lumubha ang kalagayan sakaling makakuha ng COVID-19.

“Some European countries and USA have eased their travel restrictions for fully vaccinated people. Why are we making it difficult for our own countrymen,” pagtatapos ni Taduran. (CESAR BARQUILLA)

46

Related posts

Leave a Comment