BANGKAY NATAGPUAN SA ILOG PASIG

PINANINIWALAANG nalunod ang isang hindi pa kilalang lalaki na natagpuang patay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Ilog Pasig sa Barangay 649, Baseco Compound Port Area, Manila noong Sabado ng umaga.

Tinatayang nasa 20 hanggang 25-anyos ang biktima, 5’2″ ang taas, nakasuot ng asul na shortpants at walang suot na damit pang-itaas

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-7:50 ng umaga nang makita ng isa sa mga tauhan ng PCG na kinilala si SN-2 Benjie Suarez, ang biktima sa Ilog Pasig malapit sa North Star Shipping Company kaya ipinagbigay-alam nito sa security guard.

Agad namang narekober ng iba pang mga tauhan ng PCG na lulan ng rubber boat, ang bangkay at dinala sa pampang.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya habang inaalam ang pagkakakilanlan nito. (RENE CRISOSTOMO)

125

Related posts

Leave a Comment